Grabe lang kasi lahat ng yon nakayanan niya at sa lahat ng yon e BUHAY PA SIYA. Sobrang dedicated niya in committing his life for the spread of the word. Nakaka-inspire. And all of those things wala man lang siyang kinuhang glory for himself kasi alam niyang hindi niya kaya yon kung sarili niya lang. Kaya nga ba ang lakas ng loob niyang ipaalam na he can do all things na ang nagbibigay sa kanya ng lakas e si Christ.
Mahirap na para sa isang tao lang na gayahin yung mga ginawa ni Paul kung siya lang, kasi papasok don yung finity ng tao pero gusto ko din magkaroon ng attitude na meron si Paul. He's giving all the credits for all his actions to the Lord. Like Paul, kay Jesus lang ako titingin. Mahirap pero I can do all things through Christ who strengthens me :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento