Hindi ko kilala ng ganon ang sarili ko. Minsan nakakairita, nakakatawa, nakakatuwa, nakakakilig, nakakalingkot, at lalo na sa lahat.... NAKAKABALIW! Hindi ako adik. Hindi din ako matino. HIndi ako katulad ng iba. I'm predictably unpredictable. Mapepredict mong unpredictable ako. Minsan kasi tahimik ako, pero sa mga hindi ko lang close yun. Unpredictable nga kasi ako.
Nakakagulat nalang kasi minsan nakakatuwa ako kasi may mga nagagawa akong bigla nalang sumusulpot sa utak ko na hindi ko naisip o nahagip man sa utak ko na gagawin ko yon. Masyado akong random na sa sobrang pagiging random ko e hindi na random yung nangyayari. gets?
basta hindi ako ordinaryo. Yun lang yung masasabi ko. HIndi ako katulad ng iba kapag nakilala mo pa ako ng husto. Hindi ako madali makasama, unpredictable e. I have my flawsssssssss. Marami kasi. pero one thing is for sure, I am loved by who I am and by the One who created me. Ayon naman parati, and solb na ang lahat. Nothing more, nothing less kasi all will fall on it's places kahit hindi ko man galawin in the right time and the right moment.
Magaling ako e. at ang HUMBLE ko pa. HAHAHA!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento