I sing...

I sing...
I have voice for Him, I have life for Him

Lunes, Mayo 20, 2013

So, yesterday we went to the pool after ng church service namin. Kahit na pagod at kung ano-anong nangyari samin. Masaya. One of the reasons is, marami kami. Hindi na kami yung usual na kami-kami lang. Lumalaki ang grupo. May mga nadadagdag. at marami ang naligaw ng landas. Nakakalungkot. We did what we think could help them, it's up to them now. Well, dahil hindi kami  nagdala ng digicam, wala sakin ang mga pictures at hindi ko pa ma-upload. Seyeng uleyt.May pagkababy-sitter nga lang ang peg ko don pero ayos lang. That's what being an ATE is for. May kasamang 10 month old baby Zeg, 1 year old Mai-mai, 3 girls, 5 young ladies, 2 ladies, 5 young men, and 2 couples. We had a lot of fun.  

So because Tita Emilia and Vienna paid us a visit, nahuli kami pumunta. They were all wet and swimming when we got there. Don kami sa usual place namin, COUNTRY COTTAGE RESORT. Malaki, malinis, malapit. Madaling lakarin. At malamang sa malamang, sinimulan na naman akong basain ni Dave kahit wala pa talagang balak maligo. Una sa 6 ft.,sunod sa may 8 ft, at sa 8ft ulet. Ang hilig ng batang yun mandamay sa mga talon talon niya sa pool at parating ako yung dinadamay niya. Pero nakakatuwa kasi nagiging laughtrip pagkatapos. Hindi din naman kami nangitim kahit na simula tanghali kaming nandoon, dahil MAKULIMLIM ang panahon! Haha. Ang sarap maligo kasi walang iisiiping araw na magpapaitim. E di kami, babad to the max. Hindi mainit ang panahon pero mainit ang tubig. Masarap magbabad. 

Sobrang dami ng kulitan, at isa na doon ay ang magtatatalon sa 8 ft kahit hindi naman marunong lumangoy. Malalakas loob magtatatalon sa malalim na part kasi ba naman marami silang magsasagip. Si Shinshin na dati na ring muntik malunod ng dahil kay Dave enjoy na enjoy din. Ang e-epic ng mga memories don sa resort na yon. 

Dahil malapit nga ang resort, nilakad namin ang pauwi. Kahit medyo padilim na go lang. Nakakatuwa. Kami lang kasing malalaki na yung naglakad, nauna na yung mga couple, yung mga bata at yung tatlong young lady namin. Mahirap na kapag sumabay pa sila samin, we can't risk their safety para lang makasabay sila samin sa paglalakad. Nakakatuwa din na nahahawa ang mga youth samin. They are now thinking of welfare of each other na. Katulad ng i-suggest nilang pasakayin nalang yung mga bata kesa sa maglakad. At nung naglalakad na kami, nung sabihin kong maging alert ang boys lalo na sa mga pwedeng mambastos along the way. They are learning to take care of those people with them. dahil 5 boys and 5 girls kaming naglakad, yung mga boys, mga nasa likod, and nasa gilid, para medyo iwas sa disgrasya at pambabastos ng mga pwedeng mambastos sa dadaanan namin. 


Si Kazuo din, bago palang, 3 sundays palang ata namin siyang nakakasama. Siya ang ininterview  ko. Nakakatuwa. 

Nawa'y kung ano meron kami ngayon, maipasa sa mga susunod naming henerasyon. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento