I sing...

I sing...
I have voice for Him, I have life for Him

Biyernes, Marso 7, 2014

si Oppa at sila Bully Friends

                 Dahil minsan lang kami magkita, nahila na naman niya ako. Dapat magkakasama kami nila Dani na maghintay sa mga nagdedefense kaso ayun. Napagkamalan na namang kami. Napagkamalan na namang may relasyon kami, at sa mata ng mga kaibigan kong yon, lahat ng nangyayare at nakikita nila, pagkakataon. Pagkakataon na gumawa ng mga ala-alang ikaw na bahala kung iisipin mong para sa ikabubuti mo o sa katuwaan nila. Si Janet, Dani, Tetey, Edrick, Janna, Cialina, Oniv, Arjay. Ang kakapal ng mukha din nila. Nakakabilib. Pano nangyare?

                Para sa last subject ko, dahil tatlo lang kaming dumating, naisip nalang ni Sir na magbigay ng reading assignment. Sakto, pwedeng tumambay kasama ng mga Bully Friends. Nang makakuha na ako ng copy ko ng reading assignment, pumunta na ako sa bakery kung saan doon tumatamba. Lahat sila nandon. Dahil malapit na birthday ko, nagkasulsulan pang manlibre ako. Dahil wala akong pera, hindi ko sila pinapansin. Tapos napadaan siya, galing sa kung saan. Hinarang ko para kulitin saglit. Nung ilang araw lang, galing siya ng Baguio, naniningil lang ako ng pasalubong ko kahit wala talagang sisingilin. Simula don, nagkaasaran na naman. Nakakaloka. Nagsimula na don yong, "Ooy, sino yan? Pakilala mo naman!" at yung "Ate, siya ba yon?" "Kaya ba Complicated status mo ngayon? Siya ba yon?"Grabe, the usual them. Nakakaisip ng kung ano ano para lang makapangtrip. Nagsasabi ng kung ano ano din. E di dahil sa naggaganon sila, nagpakilala siya. Nagpakilala siyang Kagawad ng San Nicolas. E sa kagawad talaga siya e. At ang lalakas ng loob pa ng mga yon, nagpalibre sa kanya. Kahit daw sopdrinks lang. Sabi ko wag na. Pinapaalis ko na siya, ayaw niya. Grocery yung katabi ng Bakery, pumunta kami don. Para din daw kasi mabaryahan ang pera niya at kailangan niya mag-internet, alam na niya yung account ng poser niya.
Sa madaling salita, napabili kami.

                  Sa pagbalik namin, hinihintay na nila yung sopdrink. Iniwan ko na sila, sumama ako sa kanya. Kung ano anong mga pinaggagawa nila. Malamang sila yon. Dahil nasa kanila yung laptop ko, ipinasunod ko sa kanila kung nasaan kami. Sinamahan ko siyang i-hack ang account ng poser niya at hindi na nakakapagtatakang hanggang sa nasa computer shop kami hindi pa din tumigil yung mga bibig nila. Nakakatawang nahihiya ako sa mga nasa paligid namin para sa kanila.Hanggang kinabukasan, naging mas lalong naging maigting ang kalokohan nila na kahit ang facebook pictures napagtripan nila. Masaya. Nakakainis. Magulo. Nakakaloka. Laughtrip silang lahat. Manse!

 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento