I sing...
Sabado, Mayo 4, 2013
Sabi ni Mama, "Baka naman sila normal at tayo ang abnormal."
Baka nga. Baka nga talaga. Marami kasing tao sa aming paligid ang namamangha sa kung anong meron kami sa pamilya. Hindi nila maarok ang mga prinsipyo at mga kaisipang meron ang bawat isa sa amin. UNA.Sa aming magkakapatid. Bakit daw kami sobrang close? Pano kami nagawang sobrang close nila Mama. Anong pagpapalaki ginawa nila para maging kami, kami. Sa totoo lang, hindi ko din alam. Basta ganto na kami. Kung ano man meron kami, kakaiba. Nung debut ko non, natuwa silang lahat. Ang nag-organize, si Kuya. Ang sa 18 roses ko, puro mga barkada, hindi ko, NILA. Puro mga kaibigan ni Kuya at Ammiel. Bakit? Kasi sila din yung mga ka-close ko. Naging 19 pa nga yon kasi pinagpilitan nung isang friend ni kuya, sarili niyang isama siya sa 18 roses kahit sobra na talaga. Kahit yung flower nalang sa labas yung kinuha niya OK lang daw sa kanya.Kung sino mga tropa ng mga kapatid ko, sila din mga tropa ko. Ganon din yung mga akin, sa kanila. Kahit na kami-kami lang lumalabas at naggagala OK lang samin. Inaabot pa kami ng madaling araw, kahit kasama namin si Bunso. Kuntento na kami-kami lang. Sweet no?
PANGALAWA. Yung passion namin to be used by God. From the head of the family up to the littlelest one. We're all in the ministry. Karamihan ng mga Pastor na nakilala ko, ayaw nila pumasok mga anak nila sa BibleSchool, yung iba naman gusto nila na nasa ministry mga anak nila kaso hindi nila mapasama sa ministry, sa kaso namin, kami yung naghahangad pumasok sa BibleSchool at kami ang mga nagkukusang sumama sa mga ministry na meron kami. Ewan ko ulit bakit. Kasi ganon talaga kami. Ganon kami lumaki. Minsan naiisip ko, may bearing kaya yung pag-stay namin sa ampunan noon kaya kami ganito ngayon?
PANGATLO. Yung sila Papa towards us, and us (magkakapatid) towards our parents. Sabi nila liberal daw. Pano, di nila maintindihan mga prinsipyo ng parents ko patungkol samin. Nakakalabas kasi ako non ng bahay kahit alanganing oras, basta kilala nila papa ang mga kasama ko. At si Kuya lang naman ang parati ko nong kasama. Kahit na madaling araw na kami umuwi. Ang gawain naman kasi namin ay magkwento ng magkwento ng lahat ng mga nangyari samin at hindi kami nakakalimot na mag-update ng kung nasaan man kami. At hindi din naman kasi ako lumalabas ng hindi ko kasama si Kuya o kaya si Ading. Mas gusto ko pa sila kasama kesa sa iba. No dull moments. :D Cool daw ng parents ko. E ano magagawa ko? Cool talaga sila. Wala na ako magagawa don kahit hindi ko maarok kung pano. Basta ganon na sila.
Pang-ilan na ba? Ahh PANG-APAT. May meaning kung bakit puro sa letter "A" ang start ng pangalan namin at kung bakit nage-end sa "EL" Other entry to kung bakit.
PANGLIMA. They always tell us not to havae grudges sa mga taong kung ano anong ginagawa sa amin. Once, nagkaroon ng matinding sagupaan between two tribes and it made a total chaos, not only to the two tirbes but also to the other tribes around them. Kahit na kung ano anong pinagsasabing masasakit nung tribe2 sa tribe1, still sinabi ng leader ng tribe1 na wag maghold ng grudge sa tribe2. Dapat daw panatilihin ang respect para sa tribe2 kahit na hindi na sila karespe-respeto. Ganon parati ang ginagawa ng tribe1.
Ganon talaga yon. Enemies will use every strategy and scheme to make a family that is oh so tight fall down. But YOU CAN'T KEEP A BLESSED MAN DOWN.
There are a lot of things I thank God for my family. No space and words in this blog is enought to tell and to share how is my family. It is better if you'll be a part. So, wanna join?
Nothing could put us down.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento