Maliagaya Home Orphanage. 970 Capt. Samano St. Area A, Camarin Caloocan City. Full address.
Tama. Sa orphanage nga ako lumaki. Sa orphanage ako nagkaisip. Sa orphanage ako nakatira. Sa orphanage ako kumakain. Sa orphanage, maraming bata. Maraming kalaro. Tama. Doon nga. Ngunit hindi ibig sabihin na ako'y ampon. Magulo? Oo. Magulo. Magulong masaya.
Mahirap nga sigurong isipin na ang batang nakatira sa ampunan ay hindi talaga ampon. Kalimitan kasi lahat ng batang nasa ampunan ay ampon. Ngunit hindi ako isa sa kanila. Kami. Hindi kami kabilang sa kanila. Kami ay mga tunay na anak ng Director ng Ampunan. Si mama at papa. Sila ang nagsilbing mga magulang sa mga batang naandon sa ampunan. Marami kaming mga kapatid, not biologically, but technically.
Apat kaming magkakapatid. Pero si Bunso, she never experienced living like an orphan. Pasara na kasi ang orphanage non nung pinanganak siya. Hindi na niya na-experience ang mga laro kasama ng napakaraming mga kuya at ate.
I remember, simula bata hanggang sa grade schooler ako, natutulog ako sa kwarto naming family. Nakahiwalay ang room namin sa room ng mga bata. May sarili kaming bathroom, sala, bedroom sa loob ng malaking bahay bukod sa mga bathroom, bedroom at sala ng mga ampon. Starting grade 4 ako, inilbas na ako ng room namin. Ang room namin ni Kuya ay room na ng mga bata. sa boys room siya, sa 2nd floor, sa girls room naman ako sa 1st floor, katabi ng room namin talaga. Hindi ko alam bakit nila ginawa yon.
Kapag lumalapit na ang season ng Christmas at New Year, may mga pumupunta ng orphanage para magconduct ng program. Mga bisita as we call them. They are mostly mga college students na mas gustong magkaroon ng Christmas party kasama yung mga bata kesa sa magparty sila na sila-sila lang. Kadalasan, kasama kami. Even though that party is intended for the orphans lang. Kasama kami. Yung mga bisita usually asks, "where are your parents? Why are you here?" Nagugulat silang sinasagot naming nasa ampunan din yung mga parents namin and because it is where we live. Actually, napapa-nganga na lang sila tapos minsan hindi kami sinasama sa mga games o kaya sa ibang mga activities nila for the kids. Okay lang, pero sa loob loob, sana kasama din kami. Bata pa kami non e.Dahil Christmas nga kapag may ganon, kalimitang nalulunod kami sa mga gifts. New toys. Lots of food. Christmas Money galing kila Lolo and mga box ng clothes. ANG DAMI! Nakakalunod nga. Kaya nung lumipat kami dito sa Zambales, andami naming iniwan. Ilang balikbayan box din yung iniwan namin don sa orphanage. Kasama na yung mga favorite books ko. Gulagulanit na daw kasi kaya iniwan na. Archie Comics. Sweet Valley Series (hanggang sa magdalaga sila kumpleto), Give Yourself Goosebumps- anim ata yon, Goosebumps-ilang books din yon,encyclopedias, yung Almanac for Kids ko, mga Reader's Digest (Compilations ng mga literary pieces nila, although nadala namin yung iba) tapos halos lahat ng mga soft bound iniwan. Ayaw ko talaga, kaso hindi maiwasan. Hindi pwede. Naiyak nalang ako.
Anyway, naalala ko din don, kapag may kailangan ang litanya ay "kuya/ ate pakuha ng tubig." Then comes my water. Mala-senyorita't senyorito kami don. But we still do chores. Just like the other kids. I learned how to wax the floor, scrub, sweep, wash dishes and clothes, and magpaligo ng aso. Sa mga chores, gumagawa kami.sa mga chores lang. Kaya nung kami nalang sa sarili naming bahay, nahirapan kami. Nasanay kasing may ibang kumikilos para samin kaya ayon. Hirap sa gawain.
Minsan kapag may issues sila about sa Orphanage, o kaya naman kailangan pag-usapan, nakukulong kami sa kwarto. Kaming magkakapatid. Di kami pwede makinig, di kami involved, at di kami mai-involve. Although magkakasama kami sa iisang bahay, ang issues nila y di kami kasama. May division pa din naman.
Kapag sunday, we go malling. Sa mall lang, kain don, tapos tambay. Kami lang family. Minsan kasama mga bata. Pero madalas, kami lang. May mga picnics kami. Experienced a lot of that. We also had a picture na may uniform kami and we went to Luneta and QC Circle. It was a lot of fun kasi maraming mga bantay. Maraming nau-uto. "kuya let's go there!" "Ate, don tayo!" Kaya nakakapunta sa malayo kasi may bantay.
Twice din na nakapanood ng game ng San Miguel sa PBA. Sila lang pala. Not me. Nung una, may bulutong ata ako kaya hindi ako pinasama. Nung pangalawa, sinundo kami sa bahay. Pumunta muna kami sa bahay nila ate Cathy Uichico, wife of Jong Uichico. Friends kasi sila ni Lolo and they sponsor the orphanage,too. Pinakain muna kami then, ayun na. We went to the game. A memory worth remembering pero ang natatandaan ko lang don, yung kinain namin, hotdog, then maganda yung bathroom nila, sigaw lang kami ng sigaw ng "defense". Then laughs and then get tired. Pagkabata.
Nung nag-kinder si Kuya kasama ako sa klase niya. Saling kitkit. Pero dahil saling kitkit ako, hindi ako masyado sa mga discussions nila. More on upo and kain lang ginagawa ko. At dahil nga nasa orphanage kami, hindi sila papa ang naghahatid sundo samin, Binabantayan kami nila Kuya. Salit-salit sila. Hindi ko nga lang alam kung may schedule talaga sila, kasi salit-salit sila. Pero nung ako na yung nag-kinder sa St.Luke's hatid sundo na kami, pero dahil kasi nagtuturo don si Mama. Pero minsan sila Kuya pa din yung kasama namin. Nung si Ammiel na yung nag-kinder, hindi pa din sila papa yung naghahatid-sundo samin. Sila kuya pa din. Bantay-sarado.Trabaho ata nila yon. Maghatid-sundo samin.
Hindi kami nawawalan ng kalaro doon. Halos hanggang gabi naglalaro kami. Pero never akong nakalabas ng compound, unless papasok sa school. Hindi ko din naranasan na maggala. Nung pasarado na yung Orphanage, don ko nasimulang maggala. Pagtapos ng klase tambay sa mall o kaya naman sa park with classmates.Hindi ko din naranasan na mangaroling. Hindi kami nangangaroling. Hindi kami pinapalabas. Kahit na andami naming mapapangarolingan kapag nangaroling kami. Delikado kasi. Paglabas ng bahay, kalsada agad. Yung mga alaga nga naming aso kapag lumalabas nasasagasaan, kami pa kaya.
I could go on and on about my childhood pero sobrang haba na neto.
Ang sarap balik-balikan yung mga pangyayari nung kabataan. Lalo na kung yung kabataan mo e hindi ordinaryo. Sobrang hindi ordinaryo.