I sing...

I sing...
I have voice for Him, I have life for Him

Martes, Enero 29, 2013

Usapang Matino


Magandang gabi sa inyo aking mga kamag-aral at instruktor. Pagbati mula sa kaibuturan ng aking puso para sa inyo aking mga tagapakinig. Aking hiling na sana'y inyong maibigay ang ilang minuto ninyo para sa akin.
Aminin na natin, kadalasan hindi natin nakakasundo ang ating mga magulang. Tayo bilang mga makabagong kabataan na babago ng kapalaran ng mundo, ay may sarili ng paninindigan, gawi, dahilan, paraan, pag-iisip at pagkatuto sa mga bagay na nangyayari sa atin at sa paligid natin. Kung tutuusin ay maari nang sabihing, kaya na natin ang ating mga sarili. Malalaki at matatanda na tayo.” Kasama ng pagdaloy ng dugo sa ating mga ugat ay ang pagdaloy ng salitang diskarte. Kaya na natin ang mamuhay ng malayo sa ating mga magulang. Marami na ang nagkalat na kung ano- anong bagay na nagbibigay sa atin ng mga ideya ng mga bagay na ni hindi hinagap ng ating mga magulang na ating kayang gawin na. Dahil nga malalaki at matatanda na tayo. Sa oras ng maraming katanungan ay kay Google tayo lumalapit. Kung tayo nama’y gutom sa fastfood chains ang tuloy, kung saan hindi tatagal ang paghihintay sa pagpawi ng ating nararamdamg kahinaan. Sa panahong tayo’y may pangangailangan, nanjan si Internet, lalong-lalo na kung ang usapan ay mga gawain pang-eskwela. Mapa-research ba iyan o thesis pa. Halos lahat na ng mga bagay na noon ay mahirap gawin, ngayon ay sobrang dali na sa tulong ng mga makabagong imbensyon na ipinapalaganap sa bawat sulok ng mundo. May sagot tayo sa bawat katanungan at subok ng buhay, dahil kay dali na ng buhay. Kay raming ng bagay na sa atin ay tumatambad na ating kay daling nalalaman at nabibigyan ng katugunan. Ang natatanging natitirang mahirap isipin at gawin ay ang paghingi ng allowance at pagsustento sa mga bagay na sa atin ay mahalaga, na galing sa ating mga magulang. Marami pa munang paghahanda sa pandinig ang kailangan bago tuluyang makamtan ang inaasam-asam. Dahil dito, ang ating mga magulang ang kadalasang nagiging kontrabidang ang tanging nais ay hadlangan ang kaligayahan ng bidang tayo rin at ang ating mga gusto sa kwentong ating binubuo. Sila ang kabaliktaran ng kagustuhan natin.
Sobrang kay laki ng pagitan ng kaisipan natin sa kaisipan nila tungkol sa halos lahat ng bagay. Kaibigan. Pananamit. Teknolohiya. Pagkain. Musika. Istilo. Palabas na pelikula. Palabas sa telebisyon. Paaralan. Oras ng pagtulog. Grado sa eskwelahan. Pangarap. Oras ng pag-uwi. Lugar na gagalaan. Pag-iisip. Pag-ibig. Iniisip at kung anu-ano pang mas maraming bagay. Mabuti na lamang ay hindi kasama sa mga napapagtalunan kung ano ba ang nauna sa manok at itlog. Kung pati iyon ay nasasama sa mga pinagtatalunan ng mga magulang at anak, nako, masyadong malaki na ang problema ng mundo dahil ang mga bagay na hindi na dapat iniintindi ngunit binibigyan pa din ng pansin. Sadyang hindi magtagpo at nagtatagpo ang ating nais at gusto sa gusto nila. Sobra silang makaluma na mahirap ibaba ang ating lebel at ibalik sa panahon nila dahil sa sobrang dami na ng pagbabago sa mundo. Marami nang mga bagay na nagpapadali ng ating mga gawain, ngunit ang nais nila’y gawin pa din ito sa makalumang paraan. Iniisip natin na dapat sila ang sumabay sa mabilis at makabagong takbo ng mundo, hindi yung sila pa ang may ganang magalit dahil sa bilis at nito at pilit pinapabagalan upang makasunod sa gusto nila at sila’y sabayan.
Ngunit sila ba talaga’y sadyang makaluma? O tayo ang nagiging makitid mag-isip? Sila ba ang kontrabida? O tayo ang sadyang nagpipilit na sila ang gawing kontrabida na sa katotohanan ay sila pala ang magiging matalik na side kick sa isang kwento ng magiting na bayani? Baka naman hindi lang natin iniintindi na sila pala ang tulong sa likod ng kurtina na naghihintay lamang tawagin lalo na kapag ang lahat ng inaasahan ay pumalpak.
Marahil siguro ay masyado lang tayong nag-iisip ng negatibo tungkol sa ating mga magulang. Masyadong lang tayong malala mag-isip ng kung anu-ano sa kanila na akala natin sila ang pipigil sa ating mga natatago at marubdob na ninanais at minimithi sa ating buhay. Kumbaga parang nag-suot tayo ng sunglasses na lahat ng kulay ng mundo ay tinatabunan at ginagawang iisang kulay. Kung kulay itim ang lens ng salamin ay puro may bahid na ng itim ang ating nakikita. Dahil sa ang pagtingin natin sa ating mga magulang ay may bahid na ng pagiging kontrabida, akala natin sila ay totoo ngang kontrabida na sa ating buhay simula hanggang sa dulo. Kapag ganoon ang kaisipan natin sa ating mga magulang, kahit ano pang kagandahang gawin nila para sa atin hinding hindi mawawala sa atin na pag-isipan sila ng masama o kung ano pa man. Kailangan bigyan sila ng pagkakataon na maipakita nila ang kanilang totoong kagustuhan sa atin nang hindi sila nahuhusgahan sa simula. Panghuhusga ang tawag sa pag-iisip sa isang tao na may gagawin na siyang masama wala pa man o kaya naman ay hindi na pagtitiwala sa mga mangyayari.
Ang kailangan lang ay magkaroon ng pagkakaintindihan at pagtutulungan katulad ng parating sinasabi ng Wonderpets. Katulad lang ng kapag tayo ay may sinisinta. Sa lahat ng oras kailangan kausap. Sa lahat ng oras kailangan nagkakaintindihan upang mas mapaganda at mas mapalalim ang relasyon. Mas tumagal, mas tumatatag. Ang may problema din kasi minsan ay tayo. Ang tingin nating sa ating mga magulang ay ATM machine. Lalabasan ng pera kung kailan kailangan natin at kung kalian nanghingi. Instant. Ngunit hindi iyon ang gusto nila. Kailangan din maibigay natin bilang mga anak ang nais nila, hindi lang sila ang nagbibigay. Natatandaan ko ang sabi ng tatay ko sa kapatid ko, “Tandaan mo, relasyon yan, kailangan bigyan ng halaga,kailangan i-work out.” Kailangan hindi lang isa ang nagbibigay, dapat sabay. Kung may inaasahan man tayo galing sa ating mga magulang, may inaasahan din sila galing sa atin. Hindi maaring sila lang ang nagbibigay at tayo ang tanggap ng tanggap. Hindi ganon yon.
Isa pa sa dahilan kung bakit tayo ay hindi magandang relasyon sa ating mga tahanan ay dahil sa akala natin ay kaya na natin ang lahat ng bagay. Lahat ng naisin nating gawin at kunin at malaman ay nakukuha natin sa makabagong teknolohiya ngayon. Isang halimbawa na lamang ay sa mga gawaing pampaaralan. Lahat ng mga kailangan natin ay nakalahad na sa screen ng laptops at computers, hindi na kailangan pang magpaturo sa mga magulang ng mga bagay bagay sa mga asignatura, si Google na ang bahala don. Hindi na kailangan pa magpaluto ng pagkain kay Mama, may 8-Mcdo naman. Pwede na magpadeliver. Instant na masarap pa. Tandaan, hindi lahat ng madali ay maganda. Minsan madali nga, mahirap naman. Paano yon? May mga bagay na madali makuha at hindi na kailangan pa pagpaguran, pero ang maaring kalabasan o resulta nito ay hindi magbibgay ng magandang bunga para sa atin. Minsan ang mga akala natin ay mali pala at kabaliktaran ito sa katotohanan. Hindi lang talaga sila nabibigyan ng pagkakataon na ipakita ang tunay nilang gusto para sa atin at hindi tayo nagpapakita ng kung ano ang nararamdaman natin para sa kanila. Maaari kasi tayong maging tampulan ng katatawanan sa barkada. Kung tutuusin, bakit natin iisipin ang maaring sabihin ng iba? Sila ba ang ang nagbibigay ng ating baon para isipin kung ano ang opinion nila para sa mga bagay-bagay? Di ba hindi naman?
Tanggapin natin, ang isa pa sa dahilan ay hindi natin talaga natin sila  maintindihan. Masyadong wirdo para sa atin ang mga pinapakita nila sa atin. Masyadong kakaiba ang mga yon. Tandaan, iyon ay bunga ng kanilang mga karanasan sa buhay. At iyong mga karanasang iyon ay wala pa sa kalahat ng mga naranasan natin, kaya wala tayong karapatan na magsabing sila ay walang alam sa mga nangyayari at hindi tayo maiintindihan o naiintindihan. Ni wala pa sa hinagap ang mga natutunan nilang mga karanasan ang mga nangyayari sa atin ngayon. Ang pinagkaiba lang natin sa kanila ay ang mg bagay na mayroon tayo ngayon dulot ng mga makabagong teknolohiya. Ano ba ang maiibibigay sa ating tulong ng mga teknolohiyang ito? Hindi gaanong malaki. Dahil kapag nawala ang WIFI at ang kuryente hindi na din ito magagamit, pero ang mga magulang kahit walang WIFI at kuryente, gamit na gamit. Pero mas masaya kung sila ang kasama mo sa paggamit ng WIFI.  Masyado nga silang OA  sa mga bagay bagay, pero intindihin. Mga magulang sila, at sobrang kaligayahan ang naidudulot natin sa kanila kapag may ginawa tayong magpapataba ng puso nila. Mga bagay na gusto nilang makita sa atin. Korni man kung sabihin, pero ayon ang dapat. Upang magkaroon ng mas magandang relasyon sa pamilya dapat mas malalim na pag-intindi ang kailangan. Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang mahal lang, ang kailangan na, ipinapakita, ipinapadama, iniintindi at isinasaalang alang.
Ang magkaroon ng mas magandang relasyon ang bawat pamilya ay hindi lang magiging tulong para sa pamilya, undi pati sa komunidad. Dahil ditto magsisimula ang mga bagay-bagay, sa pamilya. Makakatulong dito ay ang madalas na pag-uusap ng mga anak sa kanilang mga magulang tungkol sa lahat ng bagay. Kahit and simpleng napaupo ka sa sahig dahil sa nadulas ka o kaya naman ay naglakad pauwi ay maaring makapagpabago ng relasyon mo sa iyong magulang. Maraming gawi, at paraan, ang kailangan lang isang bukas na isip at puso.
Salamat po.

                                                                     
 Talumpating requirement para sa isang asignatura na ginawa overnight na may kasamang sidetrip na panonood ng videos sa youtube at pagbabasa ng kung ano ano pang articles online at pagsusurf kaya tumagal ng overnight. salamat. Night class kasi yon kaya magandang gabi

Huwebes, Enero 24, 2013

ate.

Growing up with boys all around me, I've always wanted to have an ate. Then, poof! It became this!
 Si ate Micah, ateng-ate, madali maasar. Kapag asar na siya, keep distance na, pero kapag siya nung nasa trip, lapit lapit din,kasi malakas din trip niya, :D 
 Adik kasi silang dalawa, hindi mapredict. Si ate Micah and si Ate Precious.
 Kagulo silang dalawa kasama.


Bagong Hair

I dyed my hair red. Wala lang, natutuwa lang ako. Ang balak ko talaga kasi as in red all over kaso dahil sa kulang yung hair color naging highlights nalang. Pero hindi nga lang masyadong halata, kapag naarawan ayon nakikita. Pano kasi dalawa kami ni Arielle ang gumamit nagkulang tuloy. Natutuwa lang ako kasi..

Soon, I will not be the one that they used to know. Marami na nagbabago at magbabago. Marami na iniiwan at iiwan. Marami na din malamang makakalimutan at malilimutan. Well, that's part of growing up. Hindi naman lahat ng sa simula ay magi-stay till the end. It's a matter of struggle yung pagstay till the end, so if that's too strong to endure till the end, well, CONGRATULATIONS.


Lunes, Enero 21, 2013

Disgusted.

MY gosh! it's soo G-R-R-R.! How dare she to play with my brother like that? If I will be just like other girls,  maybe I had slapped her with my fullest energy that she could come back to her senses. I will reap off her hairs from her scalp. I will slap her face till she's sore. But I'm not like that.  It is just that I can't accept the fact that SHE toyed my brother! Man! How dare she.

She said she's this and that. She's like this and like that. She's into this, and working with this. But she's not even one. I know it, even from the start that she's a no good. She sent friend requests to my other brothers but not to me. I know it. A fraud. But the funny thing is, my brother's not that affected. Maybe I am just over reacting. But that's my brother he played! I just can't let that off! Calm down sister.

Man! Overprotective sister! Your brother's big now! He could handle her!

ugh! disgust!

Linggo, Enero 20, 2013

si Reaubot

Singkit. Bibo. Gwapo.Mabait. Matalino. Kengkoy. Maligalig. Makulit. Siya ang anak ko. Si Reau.  
It feels good to have someone not your own na parang sayo lang din talaga. many think of having godson or daughter is a pain the pocket lalo na kung christmas or birthday. We think it is compulsory to give the kids material things. But I think it's one of the misconceptions. I give my child love and guidance. It's what he needs the most. Lalo na kung loving ang inaanak mo :)

Si Reaubot. He often would be suplado kay Rouis. They would even fight and shempre mas lamang siya kasi mas malaki. Pero in times not so noticeable, he's caring and cute. One time, inuwi ko sila sa bahay namin to play, from their house to ours is a long walk. Maybe the younger one got too tired of walking and suddenly tripped. Nadapa ang bata. What Kuya Reau did, is he waited for Rouis to get up and said, "Ninang, hindi yan iiyak si Ading kasi ninja siya e. Kapag nadapa and hindi umiyak, NINJA siya, pero kapag nadapa tas umiyak walang nahuling palaka." For that simple act, hindi nga umiyak si Ading niya. Kuyang-kuya ang dating. Sweet. That's what being a kuya is, to not let your sibling cry and to make sure he's ok even if they got hurt. Nakakatuwa.

He's nearing to be 5 years old and my baby's gonna be a bigger boy. He will soon forget to steal kisses from his Ninang Dang. He will soon be shy, and he'll say hindi na siya baby. :'( Ngayon pa lamang na wala pa nga talaga, hindi na siya nagpapakiss kapag may kalaro,what if kapag mas lumaki na siya? Haay Reau, maybe I am just too attached to the boys that I will not want to see them grow which is of course will never happen :D



-aklatbulate

Lunes, Enero 7, 2013

running time

Is time really running? or is it just too fast to pass by?

I'm going to school!