I sing...

I sing...
I have voice for Him, I have life for Him

Martes, Enero 6, 2015

Made the design for the church's Christmas Concert t-shirt. ^_^

Lunes, Hunyo 9, 2014

Dahil nakakaawa naman na itong blog ko, magpopost ako ulit. Sana lang hindi matigil . Madami na laman ang utak ko, kailangan bawasan.

Miyerkules, Marso 12, 2014

si Bunsusay

Si Charissa Mae Bustamante. 
Jan sa saktong araw na yan, jan lang kami nagkita. Pero matagal na kami magkakilala. Ang nagagawa nga naman talaga ng internet oo. Buti nalang Free Wifi ang SM. 

December 31, 2013. That is the first time we met. Kahit close na talaga kami even before that. That day, nagpunta kami ng Amparo, after ng Amparo,nagpunta kami ng SM Fairview para maglunch, at makipagmeet din si Papa sa friend niya. While kami, stroll lang ng stroll. Thinking I may meet some BANAs na nasa paligid-ligid lang, I posted I'm in SM Fairview on my Facebook account. After some minutes getting no responses from them I turned off my WIFI. 

Ilang oras din na hindi ko inopen ang FB ko. Nang ma-bore ako. I tried opening my FB again. I saw her comment. I tried to call her. But she's not answering. I texted her. She replied. I told her where I am. She went there. Just so I thought that I might not see her, she's just right behind me. Ammiel saw her.

Nakakatuwa. We talked. Nandon lang din pala Mama niya. Nakapila sa J.Co. Kami, tambay sa food court. Kumain ng kung ano ano. 1% nalang phone battery niya nung mga panahong nakita niya. Buti nalang nakita niya. Buti nalang di kagad na-lobat. Nagkita tuloy kami. Ang saya ng circumstances. :))

Yung bunso, nakita ko din :) 







Ang ama ni Yedda.

Recently, may kilala akong mga  lalaki na nagpapangiti sakin ng todo. at isa na siya don. Iiiih. kinikilig ako wala pa nga. ^_^ 

Lagi siyang nasa dodol locker wallpaper ko. Lagi ko siyang naririnig, Para siyang bear. Ang bagal niya kumilos. Para siyang Nanay, siya yung parating nag-aalaga sa kanila. Para siyang tuod, na kahit na magulo mga kasama niya, wala lang siya. 
Parang siya. 
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ang TATAY NG BUNSO KONG ANAK.

Hahahaha.


pero siya talaga ang tatay ni Yedda. ang bunso kong anak.
whahaha :D 


Sa group namin kasi ng mga kpop fans, para na kaming family. may mga virtual keme keme na nangyayare. at itong batang si Yedda... nagkasundo kaming maging ako ang nanay niya at si CNU ang tatay niya.. Fantasies. Haha.

Lakas trip lang. Nakakatuwa ang adik adik lang namin. pero siya si CNU.
Ang pangatlo sa mga asawa ko. 
Ang lalaking mas maganda pa sakin kapag naging babae. 

Harthart nampyeon :D 










Biyernes, Marso 7, 2014

si Oppa at sila Bully Friends

                 Dahil minsan lang kami magkita, nahila na naman niya ako. Dapat magkakasama kami nila Dani na maghintay sa mga nagdedefense kaso ayun. Napagkamalan na namang kami. Napagkamalan na namang may relasyon kami, at sa mata ng mga kaibigan kong yon, lahat ng nangyayare at nakikita nila, pagkakataon. Pagkakataon na gumawa ng mga ala-alang ikaw na bahala kung iisipin mong para sa ikabubuti mo o sa katuwaan nila. Si Janet, Dani, Tetey, Edrick, Janna, Cialina, Oniv, Arjay. Ang kakapal ng mukha din nila. Nakakabilib. Pano nangyare?

                Para sa last subject ko, dahil tatlo lang kaming dumating, naisip nalang ni Sir na magbigay ng reading assignment. Sakto, pwedeng tumambay kasama ng mga Bully Friends. Nang makakuha na ako ng copy ko ng reading assignment, pumunta na ako sa bakery kung saan doon tumatamba. Lahat sila nandon. Dahil malapit na birthday ko, nagkasulsulan pang manlibre ako. Dahil wala akong pera, hindi ko sila pinapansin. Tapos napadaan siya, galing sa kung saan. Hinarang ko para kulitin saglit. Nung ilang araw lang, galing siya ng Baguio, naniningil lang ako ng pasalubong ko kahit wala talagang sisingilin. Simula don, nagkaasaran na naman. Nakakaloka. Nagsimula na don yong, "Ooy, sino yan? Pakilala mo naman!" at yung "Ate, siya ba yon?" "Kaya ba Complicated status mo ngayon? Siya ba yon?"Grabe, the usual them. Nakakaisip ng kung ano ano para lang makapangtrip. Nagsasabi ng kung ano ano din. E di dahil sa naggaganon sila, nagpakilala siya. Nagpakilala siyang Kagawad ng San Nicolas. E sa kagawad talaga siya e. At ang lalakas ng loob pa ng mga yon, nagpalibre sa kanya. Kahit daw sopdrinks lang. Sabi ko wag na. Pinapaalis ko na siya, ayaw niya. Grocery yung katabi ng Bakery, pumunta kami don. Para din daw kasi mabaryahan ang pera niya at kailangan niya mag-internet, alam na niya yung account ng poser niya.
Sa madaling salita, napabili kami.

                  Sa pagbalik namin, hinihintay na nila yung sopdrink. Iniwan ko na sila, sumama ako sa kanya. Kung ano anong mga pinaggagawa nila. Malamang sila yon. Dahil nasa kanila yung laptop ko, ipinasunod ko sa kanila kung nasaan kami. Sinamahan ko siyang i-hack ang account ng poser niya at hindi na nakakapagtatakang hanggang sa nasa computer shop kami hindi pa din tumigil yung mga bibig nila. Nakakatawang nahihiya ako sa mga nasa paligid namin para sa kanila.Hanggang kinabukasan, naging mas lalong naging maigting ang kalokohan nila na kahit ang facebook pictures napagtripan nila. Masaya. Nakakainis. Magulo. Nakakaloka. Laughtrip silang lahat. Manse!

 



Lunes, Marso 3, 2014

I'm back!

You are so long forgotten but now I have the mindset to start with you again.

Lunes, Oktubre 7, 2013

Squirrel

                Dahilan. Isang salitang problema ng maraming tao pero di nila alam. Isang salitang gasgas na sa pandinig pero di naiintindihan. Isang salitang medaling unawain pero mahitap hanapin. Isang salitang nakapagbabago ng buhay. Dahilan. Rason. Purpose.
                Purpose is needed in life. May mga nagpapakamatay ng dahil sa nawalan ng dahilan para mabuhay. Iniwan ni Girlie si Boyet. Nakipagbreak ang “buhay” niya. Humanap si Boyet ng tualy. Doon tumalon,patay. Ibinagsak ni Prof si Running for Cumlaude. Nasira ang records ng grade. Naghanap ng lubid, itinali sa matibay na kahoy sa kisame, isinukbit sa ulo. Bigti. Patay. Naghiwalay si Mama at Papa. Ang anak? Naghanap ng pagtatapunan ng buhay. Ayon. Salot sa lipunan. Masyado nang maraming problema ng dahil sa dahilan. Dadagdag ka? Ikaw? Anong dahilan mo? Bat ka buhay? Para makapag-aral pagkatapos ay grumadweyt? Magkatrabaho pagkatapos ay magkapamilya? Then? Mamuhay ng masaya? After? Wala na? Ganon na lang yon? …And that’s the story of a boring life. The end J
                Everything has its purpose. And that purpose is for the grander you. Now, what’s your purpose? Kitams. Mahirap isipin. Mahirap galugarin ang kaibuturan ng isip just to find the reason of our existence. Actually we don’t think about that much. Ni hindi ka  na nga siguro tumigil sa pagbabasa para isipi kung ano nga ba ang dahilan bakit ka nabuhay. Dahil nga siguro sa mahirap isipin. We give up and eventually forget all about it. We go on, and do what makes us happy. We go on what we think is best, on what we think will make us happy. But happiness is not the sole factor of our existence; it’s the fruit of knowing our purpose. Hindi ibig sabihin na masaya ka sa isang bagay ay para sa’yo na. hindi ka bata na kapag nasayahan sa nilalaro at nagustuhan, aangkinin na.
                Minsan, dahil sa tawag ng mga pangyayari sa buhay natin, napipilitan tayong magsettle nalang sa mga “pwede na”. we think it’s the best, but it’s not. Masaya ka sa boyfriend mo, pero ayaw ng pamilya mo. Maniwala ka, hindi siya para sa’yo. Hindi lahat ng masarap, masustansiya. Hindi lahat ng masaya,tama. Hindi lahat ng nagpapasaya ay maaring sabihing dahilan para mabuhay. Bonus lang yon. Hindi dahilan ang family gathering a gifts kung bakit may Christmas. Christmas kasi kaya may family gatherings at gifts. Gets?
                “There’s gotta be more to life than chasing down every temporary high to satisfy me” sabi ni Stacie Orrico sa song niyan More to Life. There truly is more to life. We can’t find our purpose in ourselves. There’s Someone Greater who knows what’s better for us. Sa mga bagong bagay, kailangan natin ang manual. Doon malalaman kung ano ang mga functions ng bawat buttons at parts ng appliance nab ago. Same with us. San pa ba natin malalamankung ano ang dahilan ng existence natin? Malalaman mo yan. Think deeper. Di mo kailangan magsimba. Kailangan mo mag-isip at magbukas ng isip sa mga bagay-bagay. Matalino ka. Alam mo yan. Pero bakit nga ba dapat malaman kung ano dahilan mo sa buhay? Matalino ka. Malamang kasi mas madali ang buhay. Hindi mo na kailangan mangapa sa mga gusto mo. Di mo na kailangan maglagalag para lang mabuhay ng masaya. Di mo na din hahayaan pa madiktahan ng kung anoang dapat gawin. Alam mo na sa sarili modahil alam mo na ang dahilan mo.

                At kung magtatanong kayo kung bakit squirrel, may malalalim na dahilan. Di madaling intindihin.